Yey!!! ito ang kauna unahan kong blog!wow! nkagawa ko neto,sa bobo kong to..haha
Ano nga ba ang maibabahagi ko sa makabagong paraan ng pagpapahayag? Nais ko kasing bigyan ng kaukulang pansin ang mga Babaeng Pilipina,nandito man o nasa ibang bansa. Malaki ang respeto at paghanga ko sa ating mga kababaihan. Kahit anong uri man ng trabaho meron sila, iisa pa rin ang nasa puso nila...Ang Pamilya at kinabukasan ng mga anak.
Dito sa Pilipinas, hindi gaanong nakikipag kompitensya ang mga babae sa panlalaking trabaho, hindi naman kasi pangunahing ugali ng mga babae natin ang makipag mataasan,mas gusto nila ang nagtutulungan at nagkakaunawaan.Kung maidadaan sa magandang usapan,bakit pa makikipag debate,hindi po ba.
Ngunit kung dedikasyon sa trabaho ang usapan, Pilipina ang maaasahan dyan. Kahit anong trabaho basta't nakatutulong at nakakasuporta sa Pamilya,asahan mong tapat ang mga Pilipina.
Marami pang katangian ang mga Pilipina,nais kong kayo ang mag sabi ng iba pa.
Halina mga Mare, mag usap tayo.