Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha!

Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^

Monday, January 16, 2012

Liham para kay Leiam

Minsan sa kabila ng tawanan at biruan natin sa buhay, may mga oras na nais kong maging seryoso at huminto sandali upang bigyang daan ang mga gusto kong sabihin at saloobin.Drama mode ito anak.

Hindi natin tiyak kung hanggang saan at kung hanggang kailan ang buhay ng tao, mamaya ,bukas o makalawa lahat ng bagay pwede magbago o mawala. Kaya naisipan kong gumawa ng munting liham para sa'yo anak. Kung sakali mang hindi mo ito mabasa ng personal, sana ay may mga taong magsabi sa'yo ng nilalaman nito.Masyado ka pang bata para sa ganitong bagay pero gusto ko pa ring gawin sapagkat hindi natin hawak ang panahon.

Dear Anak, una sa lahat , alam kong hindi pwedeng ipag utos ang respeto. Walang magulang na perpekto. Kung may mga bagay man na sa tingin mo mali sa ginagawa namin, gusto kong sabihin mo sa' kin mismo, hindi sa ibang tao. huwag mong iisipin kahit kailan na hindi ko kayang tanggapin ang mga pagkakamali ko. Matapang, masungit man ako pagkaminsan, but i understand, more than you think i can at handa akong magbaba ng lebel para mag pantay tayo bilang mag kaibigan. Huwag mo ding intindihin ang pagitan ng edad natin, Higit kanino  mas alam ko kung saan ka hindi mapapahamak.
Kung sa mga panahon na wala ako, humingi ka ng tulong sa mga lolo't lola mo, tito at tita mo, handa silang umarkila ng tangke pag nalaman na inaapi ka, maniwla ka.

Gusto kong igalang mo ang mga magulang namin ng tatay  mo, nagkaroon ka ng "awesome childhood" dahil sa kanila,pati na rin ang mga tito at tita mo. Nanjan lang palagi sila para sa atin, magpasalamat tayo. Tulad ko ,mahal ka nila ng walang hinahanap na kapalit kundi konting lambing mula sa'yo. Maswerte ka anak, sana marealize mo yun pag laki mo. Hindi tyo mayaman, sapat ng kumakain tayo sa oras, gayun pa man, napaka swerte mo. Marami kang dapat ipagpasalamat, gusto kong makita mo ang mundo na maraming blessings at hindi puno ng problema.

Gusto kong magkaroon ka ng trabaho na talagang gusto mo, Huwag mong papasukin ang pintuan na alam mong hindi ka masaya. parang pag susuot yan ng sapatos na hindi kasya. Hindi ka makaka arangkada. Wala kang mararating. Kung hindi para sa'yo, matuto kang maghintay.Magiging sulit ang lahat, maiintindihan mo.

Hindi ko kayang idilkta kung anong klaseng tao ang magiging ikaw pag dating nag panahon. Pero alam kong isa AKO sa makakaapekto ng malaki sa pag buo mo nito. Anak, hindi ako matalino,pero naniniwala akong kaya sa'akin ka ibinigay ng Lord dahil alam nyang kaya kong maging Ina, at tutuparin ko yun hindi sa paraang napipilitan lang, kundi dahil masaya din akong magkaroon ng anak.

Huwag na huwag mong ipagpapalit ang prinsipyo sa pera. Kung may mga tuksong lumapit sa'yo pra kumita ng malaki sa maling paraan, wag mag atubiling tumanggi. Tandaan mong PANGALAN lang ang pagmamay ari mo sa mundo, wag mong dudumihan. Mas mataas ang presyo ng pagkatao mo kaysa sa kahit anong materyal na bagay. Lumagay ka sa legal.

Ang pag aasawa ay seryosong bagay, alam kong malaki ang magiging kaibahan ng henerasyon mo sa henerasyon ko pero ikatutuwa ko kung maniniwala ka pa rin sa KASAL. Kahit lahat ng kaibigan mo makipag Live-in, huwag kang gumaya sa uso. Hindi ako tututol sa kahit na sinong babaeng naisin mo, tiwala naman  ako sa taste mo!  (nescafe yan ha)

kung magiging abala ka pag dating araw sa trabaho mo at personal na buhay, wag kang mag alala anak ko, hindi ako magtatampo  kung hindi mo man  ako madalaw, mas mag aalala ako kung pababayaan mo ang sarili mo kapalit ng sweldo.


Hanggang dito na lang anak ko.. bata pa ako at inaamin kong kapos pa ang kaalaman ko para i-share sayo.


LOVE ,
Mama

Wednesday, July 6, 2011

Dahil sa nalululong na naman ang sa pagchachat,di ko na nagawang magsulat.awww!! sorry daw. nag sosorry ako sa sarili ko,sa mga idea na dumaan at dinedma ko lang. Naisipan ko na lang ulit mag sulat ng maalala ko na birthday ng tatay ko,july 5.
So far,so good naman ang buhay buhay. Last Month nag dagdag kami ng 2 Pc para dito sa computer shop.then,last week ,nag upgrade nman ng LED,mas tipid kc sa koryente.
Konting update lang muna yan sa aking pagiging normal,LOL. Nagbabalak kasi akong magsulat ng medyo iba nman.Baka umpisahan ko mamaya,pag sinipag.
Buti n lang narecover ko tong password ng blogspot ko.un ang totoo nun,nalimutan ko.

Balik ako mamaya,ciao!

How Math ruined my life


Ilang araw ng naglalaro sa utak ko to..ang sumulat tungkol sa tatay ko.wala naman akong maisulat dahil parang di ko kayang isapapel ang mga bagay na inipon na  sa utak ko simula nung bata.

Panganay ako sa tatlong magkakapatid,tipikal na pamilya,hindi kmi anak sa labas,may magandang trabaho ang tatay ko,masipag ang nanay ko. So,anong poblema ko? Biktima ako ng favoritism.Malas lang. hehe
Ayos naman ang nanay ko,pantay ang tingin nya saming magkakapatid...pare-pareho daw kaming walang hiya at pasaway..(lab you ma!) haha
Pero iba ang tatay ko,mahal ang ngiti,ginto ang papuri. Nagmula sya sa mahirap na pamilya,nagsikap at nakatapos bilang Engineer at sa ngayon ay naglilingkod sa Gobyerno sa loob ng tatlumpung taon.

Ayos  naman kmi sa pagkakatanda ko noong bata pa ako,nagsimula lang nag issue sa atensyon nung magkaalam kung sino ang magaling sa math,at kung sino ang bobo..at nagkataong ako ung bobo. 
Pinag-aral nya sa ekslusibong paaralan ang dalawang kapatid ko. Ako sa public school.Pero d ko un gaanong pinansin kasi bata p ako nun,elementary. Pero nung mga grade six na ako,ramdam ko na. pinapamukha na.

Nagsikap ako, kung ang 90 na grade sa Private schools eh pinupulot lang,sa public hindi..pinag
subsuban ng ulo at pinananakitan ng batok ng mga estudyante mahakuha lang ng 85!Pinagsikapan ko lalong mag aral dahil sa mga nakakalulang grade ng mga kapatid ko, umuulan ng 90 sa card,pero sa putang inang public,di yata kilala ng mga teacher dun ang 90 pataas na grade sa card. Ang kukuripot magbigay ng grade,antatamad nman magturo.

Dinedma ko ang pang iisnab sakin ng tatay ko,hanggang mag tapos ako ng grade 6.Pero unti unti  dun ko napatunayan na may mali..may mali eh. Graduation ko kasabay ng recognion ng kapatid ko,grade 4 pa lang,top 3 sya.Wala akong sabit,wala ako sa top.Dun sya nagpunta sa school ng kapatid. Fail!

Doon nagsimula ang kompitisyon sa atensyon at masakit mang aminin.Luto ang laban,wala akong panalo! Isang plano ang binuo ko sa isip ko.SIsipagan ko sa gawain bahay, sabado ng umaga,naglalaba na ako,linggo nagpaplansya ng damit naming lahat. lahat ng gawain,ako na. waepek,
Dumalang ng dumalang ang pag uusap namin. 
Lalo na nung nagdalaga na ako. pero hinding hindi ko sinira ang pag aaral ko para ipakita o maging tanda ng pag rerebelde. Iniisip kong obligasyon kong mag aral hindi dahil sa magulang ko kundi para sa sarili ko.
Halos makatulog ako sa harap ng type writter sa kakagawa ng projects,samantalang ang projects ng mga kapatid ko,my presyo.binibili.

3rd yrs high school,hindi p uso ang emo,emo n ako..taena. haha
Sumusulat na ako ng mga tula,maikling kwento at kung anong kagaguhan...pag katapos,susunugin ko.
Eh bakit ko naman pag aaksayahang ipagyabang un,eh hindi naman un MATH!!!

Ilang beses napasali ang ginawa ko sa school journal..
Bat ko naman ipagyayabang eh hindi naman un math????

Napasama ako sa finalist ng Speeling Bee..
bat ko ipagyayabang eh hindi naman un Math??
hindi ko na matandaan ung iba..hindi naman kc importante.DAHIL WALANG KINALAMAN LAHAT SA MATH.

Tuluyan na akong nawalan ng interest sa math, aaminin ko naman,hindi ko rin  binigyan ng pagkakataon na magkaintindihan at mahalin ko ang math. para quitz,letche!

Tuluyan akong umiiwas sa loob ng bahay..lagi ako sa loob ng kwarto.nagsusulat,nag gigitara.umiiyak.

Isang araw umuwi ang tatay ko,may dalang chees board.napansin nya siguro na wala na kaming bonding time. tuwang tuwa nman tong dalawang kapatid ko. 
Inabot sila ng alas dos ng madaling araw sa kakalaro,hindi ko tinangkang sumali..eh pota,meron kaya nun sa school,lagi akong talo. Ayoko na ng isa pang kahihiyan.


pero dumating ung time na naramdaman kong namimiss nya din ako...
Lasing na lasing sya nun,bat ko nasabi? eh nag eemote!


" anak,ramdam ko ang malalim na tampo mo sakin.ramdam ko sa kilos at tingin mo. Kahit di ka nagsasalita.
Alam ko lahat ng ginagawa mo,alam ko lahat ng pagsisikap mo sa pag aaral.Alam ko lahat un. Mas binibigyan ko lang ng pansin ang dalawang kapatid mo
dahil sila ang kapos sa kaalaman. sila ang mas nangangailangan ng atensyon.Mas higit kang nakakaunawa,mas malawak ang pag iisip mo.i-kinukwento nga kita 
palagi sa mga kaibigan at kaopisina ko. Ikaw ang panganay ko at mahal kita."





Birthday ng Dad ko ngayon, July 5.
Happy Birthday Dad.I love you so much.

Tuesday, December 28, 2010

Pasko

aliw na aliw ako sa mga beki language na usong uso ngayon.dahil nga nanay mode ang laging eksena sa bahay kaya naman tutok ako sa bago nming telebisyon,(yahuuuuuu!)panay ang panood ko ng mga tsismis sa buhay artista.Naaaliw ako sa blind item ni shalala,nkakaloka! wag ko lang sana mapaglihihan ang bruha. Di ako sanay magsalita at sumulat ng mga ganun eh,pero gets ko naman agad pag na eencounter ko'to. kaya naeenjoy ko ng bongga. (wala lanh..naaliw lang talga ako.)

Dahil nga pala Xmas vacation ni bagets kaya babad ako sa bed,yehey ulit! this is life! Nabanggit ko na ba nanapakatakaw ko sa tulog nung katabaan ko este kabataan ko.OO,pag dating ko galing school,khit nka uniform pa ako at alas singko n ng hapon nun,matutulog pa rin ako,at madalas ako umabsent makatulog lang ng mahaba.pero hindi ako tamad noh. Ako nga taga linis ng buong Mansyon namin eh.

Ano pa bang nangyari bukod sa pagbababad sa bagong tv at pagtulog ng bongga this holidays,uhmmm. Nag shopping at nagshoping tpos kumain ng kumain at infairness nman sakin, this christmas lang ako nagluto ng marami na parang pang isang street. Ginanahan kasi talaga ako dahil nga mababaw akong tao,lahat ng maliliit oh malalaking blessings sa buhay ko,pinag papasalamat ko  ng sobra sobra.Kaya bilang thanks sa may birthday na si Jesus,pinaghanda ko sya ng madami. (kahit di ako marunong magluto)

Taga kain lang ako sa bahay,wala akong interes sa pagluluto noon,ung kapatid kong babae ang sige ang tanong at kulit sa mga tiyahin ko na magagaling magluto. Pansit nga di ko alam  lutuin. Pero dahil nga desidido na ako ngayong pasko isa lang nman ang sagot sa problema ko.. JARANNNNN ang YOUTUBE!
Nanood ako ng nanood ng mga pagkain na niluluto pag may mga okasyon,syempre ung bongga ang pipiliin ko,minsan lang to. at ang napili ko ay, JARANNNN ulit, HARDINERA. kokonti lang yata nakakakilala sa kanya,kahit ako ngayon ko lang narinig ung luto na un. Madali lang syang gawin pero maraming sangkap at talaga nmang espesyal.

Natuwa naman ako dahil napaka saya namin nung noche buena. Gustong gusto akong lasinggin ng asawa ko,bakit kaya? sya ang nagpipilit na tagayan ako tagayan. buti na lang masarap pala ang tama ng tequila. gusto ko pa!isa pa!! haha,sa bagong taon cguro,sabay ng putukan

Sakabila ng Gastos.Sa kabila ng kasiyahan,.sana di natin nakalimutan kung sinong may birthday at kung anong kahulugan nito sa ating mga Kristiyano. Amen.

Friday, October 1, 2010

Bat ganon?

bat ganon/twing badtrip lang ba talaga ako nkakasulat? wag naman! aw!
HI,hello! sa inyo, (kaway parang nasa TV).. namiss ko lang magsulat,dala na rin ng sama ng loob,wew.. ayun,sa mga oras na to,ako ay lumalafang ng kamote que at slurpee n ubod ng lake,peace offering ng asawa kong praning. Lagi syang praning...lagi na lang.

Pag me problema,harapin mo,pag usapan natin yan! face to face!

parang gusto ka tlagang i pa face to face eh..naman kasi.walang ginawa kundi i hack lahat ng accnt ko!! tapos tatadtarin ako ng kakaselos pag me nabasa. wew... i want my privacy,lagi n lang un ang daing ko. pero kasiyahan na yata nyang mahack lahat ng accnt ko at basahin lahat ng logs ko.wewwwwwwwwwwww!
nkaka high blood talaga, all of us,he have secrets,kahit asawa ko na sya..gusto ko me mundo para rin ako para sa sarili ko. meron din sigurong aalma sa punto ko,pero... un ang gusto ko!nyeta! ngialam eh..waaaa

Inaamin ko naman.nakikipag chat ako.. maraming interesanteng tao akong nakikilala sa net.. mga taong d mo alam ang itsura,,mga taong may ibat ibang uri ng trabaho,kulay,relehiyon,paniniwla,pananaw at marami pang iba.Kaya na eenganyo akong magchat at d na ako magppaligoy ligoy p,uso din ang ligawan...(OO NA!!)pero d ako dumating sa point na nainlove ako sa chat ko,sila oo..pero ako hindi...mamatay na lahat ng daga sa bahay. I know my priorities. Pag alis ko sa harap ng computer...burado na rin sa utak ko maging mga pangalan ng mga nakachat ko. Balik sa trabahong bahay...balik sa pag aalaga ng anak... at sa realidad na hindi ko na magagawa lahat...hindi dahil nakatali na ako..dahil ayokong masaktan ka..kung akala mong nakakalimot ako...HINDI,KAHIT MINSAN.

KAYA WAG KA NG MAGSELOS... I FEEL LIKE SHIT PAG MAG KAAWAY TYO..MAHAL KITA. PEKSMAN! HAPPY 6th WEDDING ANNIVERSARY  sa Oct 2.

Sunday, September 5, 2010

Galing kami kahapon sa Bday ng inaanak ko, 1yr old so,bonggang party ang inihanda ng friend ko,as in!Madami syang nagastos im sure dahil ilang bday n din ng anak ko ang nairaos namin at talgang pinaghirapan. Bat pa kc nauso yang ganyang klaseng birthday, My clowns,my balloons, may food n pang bagets at may Buffet pa pra sa mga matatanda...equalsss......... 6 n buwang pag iipon..aray!

Pero wala eh, ganun tlga ang maging magulang,makitang masaya lang ang mga bata..."it's priceless".

Pero nawawala na din tlga ung tradisyonal na pag se celebrate ng bithday eh. Dati kc, lagi kong naririnig sa lola ko at tlgang sinusunod namin. "pag Birthday mo. Magsisimba ka". Yan ang turo ng lola.

Pansit,sopas,aroscaldo,ginataang mais,ginataang munggo, Parilusdos (ginataang halo-halo), Puto,suman,biko,kalamay at lahat ng klaseng kakanin. Yan lang ang natatandaan kong inihahanda pag birthday naming magkakapatid at maging mga pinsan ko. D p ako matanda noh!! sa probinsya ng Nueva Ecija kc ako lumaki at sa baryo namin, sosyal n ang mga ganyang handa. Nung mga 14 n ako,naging spaghetti na ang handa ko, oh diba,lumebel up ^^.


Pero sabi ng lola ko,hindi daw tlga mahalaga ang handa sa birthday,ang importante daw ay magpasalamat sa isang taon ng buhay mo. at alalahanin na ang buhay ay bigay ng Dyos. (mabait na bata tlga ako noon,ewan ko lang ngayon).

Monday, August 30, 2010

Buzz lightyear

The moment of truth  has arrived.Kuhanan ng report card knina. Si excited na wowo,nauna sakin pumunta sa School kasama c leiam,pero nag tiangge na lang din after mainip sa pila. Then ako na lang pumunta. Remember our deal? Kapag grades nya, 95-99 average...ibibili ko xa ng Buzz lightyear Toy (3,000 pesos). Kapag 90-95, Buzz lightyear Toy (799 pesos) 85-89- Buzz lightyear ( towel ). 80-84 BUZZZO (baso or tumbler). LOL!!

So pag upo ko sa harap ng teacher nya.Pinakita lahat ng result ng exam.Ang nakita kong nakasulat sa NAME...
"Mr. Bean", "Spiderman","HULK","Toy Story"...iyak tawa ako sa harap ng teacher.natutuwa ako na magaling sya sa spelling pero namannnn! ang tigas ng ulo,amfft. alam naman nya spell name nya,un lang mas trip nya ung kay Mr.bean,hayzz.. then nakita ko n nga,lahat exam, 54/60,49/50,18/20...basta mga ganyan. Pero di ako nag expect ng mataas na grades sa Card kc may nagsasabi sakin na kaya daw nila inilipat sa ibang skul  anak nila kc daw mababa magbigay ng grades,parang public school daw. Pero iniisip ko naman,kung un ang deserving nyang grade,ayos lang. Tpos inabot na sakin ung card...tadannnnnnnnn.... FIVE SUBJECTS, VS,VS,VS,VS.VS... ANO UNG VS? VERY SATISFACTORY.. na may katumbas na mga numerong 89-94.

" paki hulaan na lang po jan ung grades ng anak nyo",sabi ng teacher.

"aw maam! sabi ko..pinaliwanag ko ung deal namin. pano po yan?
 kakapilit at kakabola ko sa teache,pinakita din sakin ung mga  exact figures sa limang subjects nya..

89.33- science
91.something - english
92.something - Filipino
92.83 - math
91. something-


    So,its means nasa 91-92 ung average nya,mabilisan kc ung pag silip ko sa grades,d ko alam kung anong trip ng school na un kung bakit sinisekreto ung grades ng mga bata at pinapahulaan pa. Pag uwi sa bahay, iniisip ko kung ipapaalala ko pa ba sa bata ung deal namin. di na nya binabanggit pero alam kong gustong gusto nya pa rin ung toy na un. then nag flash back sakin nung bata pa ako,lahat ng promise sakin ng tatay ko na walang tinutupad. Napaiyak ako habang nagluluto ng Pork nilaga. Pag ako may birthday,lagi kong sinasabi sa mama ko,tawagan mo si papa,sabi nya uuwi sya. Pero natatapos ang birthday ko ng hindi sya umuuwi. Ligguhan kc uwi ni papa,at gusto ko lang naman,maalala nya ung birthday ko at sana nandun sya...kagaya ng naalala nya ung mga birthday ng dalawang kapatid ko. Feeling ko,im less important nung laging ganun ang nangyayari...hindi ako nanumbat,wala silang narinig sakin.Ang sakin lang..wag ka na lang sana nangako,kc masakit umasa.. mga 7 yrs old ako nun gang sa nagdalaga n ako.Madami pa syang pinangako,lahat ng graduation ko,inisnab nya.hindi ako kelan man nanghingi ng materyal na bagay,palaging presensya lang at konting pansin nya ung hinahantay ko.pero wala ..namanhid na ako sa sakit.Walang nakakaalam nun hanggang ngayon.Pero wala na sakin ngayon un,mahal ko sila bilang mga magulang ko at kelan man wala akong karapatan magkaroon ng sama ng loob sa kanila. Ayoko na lang ulitin un sa anak ko. "hindi ako mangangako kung hindi ko tutuparin"
Kaya bukas,ibibili ko xa ng  BUZZ LIGHTYEAR.. YEHEYYYYYYYYY!