Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha!

Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^

Thursday, July 29, 2010

pangka.....

isa sa mga pangkaraniwang araw ko...gagawin ko lang itong espesyal dahil magsusulat ako...
(at ano naman ang isusulat mo?)
uhmmmm... tungkol sa antok !!!
inaantok ako..npakahilig kong matulog dati pa,teens pa lang ako.Mas gusto kong magkulong sa kwarto kong "tunawan ng bakal"kung tawagin ng espren ko,dahil sa sobrang init.ayokong lumabas,natutulog lang ako. at pag gising ko..matutulog ulit ako.haha. ang resulta,hindi ko masyadong kilala ang mga miyembro ng pamilya ko. Si mama,laging maingay, c jeff laging gutom, c anda, lagiong masunget,si papa,laging tahimik..kaya matutulog na lang ako. AT yun nga,nung nag kaasawa na ako..isa ang pagtulog sa mga iginib ap ko..(kala nyo madali un?) amf!
hindi madaling kalimutan ang nakasanayan mo ng ginagawa...dati nauubos ang oras ko sa pagtulog,pag gala,pag gigitara.pagbibilyar,pagsusulat at pagbabasa...(d ako mahilig sa barkada at lakwatsa) pero lahat un...wala na akong nagagawa..ngayon na lang ulit ako nagbabasa at nagsusulat.
napalitan na yan ng "PAGNANAY"....(lahat ng salitang may "PAG" na ginagawa sa bahay)
Pero ayos lang......hindi naman ako nagrereklamo.naglalahad lang.

NApaka simple nga ng gusto ko eh...ng pangarap ko..ngayon nga gusto kong bumili ng "samsung 32' LCD TV"...pro baka matagalan pa...baka sa November p.Gusto ko kc cash para walang inintinding utang..pero kung wala tlga,baka hulugan na nga  lang.
Minsan lang maging bata ang anak ko,gusto ko maenjoy nya. ang mga bagay na kagaya nun at makakapagpasaya na sa simpleng pamilya gaya ng pamilyang meron ako sa ngayon..Nag titiis ng antok at pinipilit gisingin ang diwa basta lang makaipon ng sariling pera...para sa pamilya

Tiisin ang antok...............(ZZZzzzzzzzzzzz)

Wednesday, July 28, 2010

sweet child of mine...

Ang pangunahing dahilan ko bukod sa masabi o maisulat ang laman ng utak ko,ay para din makilala ako sa anak ko beyond the purpose of my existence . nabanggit ko minsan na sana uso na ang blogging dati pa para nabasa ko at mas nakilala ko ang mga magulang ko. Ngayon,i want to give the credit to my son Jonh Leiam Rain.. Anak,eto na ang tanging maipapamana ko sa yo..ang maitala ko ang kasaysayan habang lumalaki ka,kalakip nito ang aking mga saloobin,prinsipyo at sariling adhikain. amen. ayeahh..

baby,hindi ako ganun katino na mudra..(i know right)  lol...pero hindi rin naman ganun kasira..(weh?) Saktuhan lang. ngayong araw na 'to, ikaw ay 5 yrs and 3mons. d ko na isasama ang day, OA n.
Kanina sa skul mo, may medical check up, as usual ikaw na naman ang pinaka makulet among your classmates. Kulang ka daw sa timbang pero  matangad ka for your age. yey! wala nman problem sa health mo at ipinag te thank you natin un kay papa Jesus...un  lang, kanina ka pa pala napapansin ng doctor.. Medyo nagulat ako sa tanong ni doc
"naglalaro po ba sya ng tubig palagi"?
(umuwi ka kanina,basa ang polo at sando)  "OPO,mahilig po,sagot ko.
"naghihilera ba sya ng mga bagay-bagay?"
"as early as 8mos old po" sagot ko.
      Expected ko naman dati pa na makulit ka talaga at mayroon ngang tinatawag na  attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Pero buti na lang daw nakaka adjust ka sa regular school...(gud luck na lang kay teacher.) Eto nga at nagbabasa basa ako sa internet about ADHD,pinayuhan na rin kasi ako kanina ni doktora na ipa evaluate ka sa  psychiatrist, psychologist, or therapist. one of these days siguro..pag iipunan muna namin ni daddy ha..3k kasi daw per session.


wala naman akong worry as of now,kasi i know kaya mo yan ...ayoko lang makikita kang nagkakasakit...kakayanin ko lahat anak,wag lang ung makita kang nasasaktan. 
Napakakulit mo baby,walang oras na hindi ba gumagalaw at nagsasalita,simula pag gising hanggang bago matulog,full charge k..hindi bumababa ang energy mo,hayyy grabe.


Kung tatanungin mo ko kung anong super power mo na napapansin namin sayo...uhmmm...bukod sa kaya mong guluhin ang buong bahay in 2mins.uhmmm..wala..wala namang special talent. hehe. 
joke lang..tsaka ko na ikukwento..uuwi n c mommy, miss na kita eh.


                                       ^^

Tuesday, July 27, 2010

sapul!!!!!!!!

sa aking pag ba-bloghopping... napunta ako sa page ng isang kabayo...ayyy,bisiro pla.. at ayun.. isinalampak sa mukha ko ang sagot sa kanina lang eh ipinag sisintir ko.. sapul n sapul ako..

"depende yan sa gusto mo" yan title ng post ... "happiness is not a destiny is it a choice "
Talagang naniniwala ako dyan, dahil ilang beses na akong nakakita ng mga taong halos gumuho na ang mundo dahil lamang sa tinatawag nilang problema na kahit ang pusa at daga ay hindi poproblemahin. Ilang beses na akong nakakita ng mga taong lumigaya dahil lamang sa mga simpleng bagay na kahit ang langgam at bubuyog ay hindi naman sasaya. Pinili nila ang kaligayahan nila, hindi ito pinagkaloob sa kanila.


Sana hindi magalit ang kabayo..este bisiro sa paghiram ko ng kanyang isinulat.. lagi ko itong babasahin sa tuwing ako'y mawiwindang..at nag eemo emo.. hayzzzzzz..


Napaka simple nga nman ng buhay.. hindi kami mayaman.. Ikinasal kami noong 2004, nanganak ako noong 2005, sa edad kong 20 at sya ay 21,wala kami pareho..walang matatag na trabaho o kahit ano. Pumisan kmi sa kanyang Tatay at dalawang kapatid na babae,walang naging problema dahil kapwa sila mababait at ang nanay nya sa ibang bansa ay patuloy ang suporta.Wala akong maikukwentong oang wowowee dahil wala tlgang mahirap na part sa buhay ko...emotera lang ako at walang kasiyahan..(ansama ko na ata)


Minsan lang nakakapagod..pero sino ba ako para magreklamo..tingnan ko lang ang mga basuserong bata,nagpapasalamat na ulit ko kay Lord.. opo..nalinawan n po ako......I feel so stupid knina,habang nag rereklamo sa harap nya na madami akong ginagawa sa bahay mula pag gising ko..ayun ang pobre, hinamon ko kanina na palit kmi..sya sa bahay,ako d2.Sya pinaglinis ko ng bahay dahil sabi ko sawang sawa na ako at pagod na...at nag emote n ako sa post ko...(nakukunsyenysa n ako...shet)salamat sa kabayo...


konting hinga lang naman kelangan ko...ok n ako..oktnxbye.

Ang Pinay base sa aking sariling pananaw...

Pag sinabi mong Pinay, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang katawagan sa mga babae sa Pilipinas.Ang tradisyunal na pinay ay Maka Dyos,mahinhin, palangiti, marahan ang kilos,hindi maharot, matiisin,hindi materyosa at kontento sa bahay lamang, walang kolorete, mayumanggi,at likas na mapagmahal.

Pero sa paglipas ng panahon..sa hirap ng buhay, sa dami na ng mga pangyayari...sa tingin mo ba walang magbabago?

Ito ang  aking sariling depinasyon ng isang makabagong "astig na pinay"- Babaeng naninirahan sa Pilipinas na may aking mabutihang loob,maka Dyos, may malasakit sa kapwa lalo na sa pamilya, itataya ang buhay sa ibang bansa para sa pamilya,handang makipag bungguan sa MRT para makapasok ng ontime sa Opisina, Makikipag murahan kung na aagrabyado at binabastos, lumalaban ng patas at hindi nanloloko ng kapwa, likas na masipag sa bahay man o sa trabaho, matalas ang pag iisip, madiskarte, malakas, hindi umaatras, palakaibigan,mahinhin ang kilos ngunit kayang sumabay sa mabilis na ikot ng buhay, hindi maharot pero karinyosa.

Kung ano man ang mabuong impresyon nyo sa isinusulat ko...yun ay base lang sa aking pansariling opiniyon at saloobin.

ang paggamit ko sa "Pinay " sa aking Blog ay patunay na Proud akong maging Isang Filipina.

 the best race in the world :)

eto na....

eto na,hahayaan kong ang mga kamay ko ang kusang sumualat ng gusto nya..ang nararamdam ko sa mga oras na ito.Malungkot ako..(lagi naman eh). isang sampal ng katotohanan.. katotohanang ikinukubli sa loob ng maraming taon. Masaya ka ba sa kanya? wla paring kasagutan. May mga oras na halos isumpa ko sya. May mga oras naman na umiiyak na lang ako dahil naaawa ako sa kanya. Malamang,pareho lang kami ng nararamdaman sa isa't isa. ISANG MALAKING  QUESTION MARK.


Putanginang magmamahal kasi yan eh..wala akong sariling depinisyon nyan lalo na kung patungkol sa kanya.. Naiisip ko sya,uhmmm... malimit.Gusto kong palaging maibigay ang gusto nya. NAtatakot akong masaktan sya.. HInahanap hanap ko sya pag wala sya. Pero sapat na ba ang mga binanggit ko para sabihin kong mahal ko nga sya?

Masyado ng huli para sa mga ganitong kaartehan. Isinantabi  ko ang pag iisip ng mga ganitong bagay dahil sa biglaang responsibilidad naming dalawa, para sa isa't isa at sa aming anak. Walang tanungan, walang pag-iisipan,pikit mata.........sugod lang sa buhay me asawa. Trabaho sa bahay,trabaho,trabaho..kilos ng kilos para mabuhay.Hindi uso ang salitang "sweetness" at mga kaekekan...

Andami kong sinabi..di ko naman matumbok ang problema..tangina...

(ilang taon ka ng ganyan Ledesma.. laban,bawi..babawi,lalaban...uuyyy,c ate uuuyy..aw!)

Minsan lang talaga siguro,sinusubok ang katatagan ng samahan, kahit anong samahan pa yan, di maiiwasan ang di pagkakaintindihan... (ganun n lang cguro,papayuhan ko na lang sarili ko,o deva,talenteddd)

alam ko namang nasa akin din ang problema minsan... (tanginang puso ko kc na to eh... maarte ang potha, mahal na nga ng asawa nga...ayaw p ibigay ung 100 percent...)

di ko alam..basta ginagawa ko naman ang obligasyon ko...saka ko na iisipin ung mga bagay bagay na alam ko namang wala ding kahihinatnan,dahil kasal kami at nakatali na isa't isa.

on the rocks...

Minsan ang dila at labi nagkakagatan..bakit? dahil kulang sa space ang isa't isa.
Di ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa ngayon. Na guguilty ba dahil nanjan ka sa trabaho ng may tampo sakin..Oh malulungkot dahil lalo kong nararamdaman ang tali sa pagitan natin.

Lagi kang naka masid sa lahat ng ginagawa ko. Alam kong hindi ako ganun kabuting asawa mo kaya ganyan ka baba ang tiwala mo sakin. Pero naaaamannnnnn... putang ina nman... wala... sakal na sakal n ako, alam kong mahal mo ko, pero putang inaaaaaaaaaaaaaaaaaa........ ano bang gusto mo? oras oras tyong magtitigan? oras oras magkayakap? nakakasuya... nakakasuka. PUatang ina tlga..........tae.. un lang ang nararamdaman ko sa ngayon..............

Sunday, July 25, 2010

Basa..basa..basa...

Nakakalibang magbasa ng mga blogs, kaya naman na uumsyame ang pag susulat ko.Pero ok lang,ayos nga un,parang my background n din ako kumbaga.Wala nman bago,halos parepareho ng istilo ang mga nababasa kong blogs nila,nakakatuwa sila at nakakainspired,  Isang malaking regalo sakin ang pag kakaimbento nitong blogging. Dahil nung mga 16 or 17 years old ako, nag umpisa akong mahilig magbasa. Sa national book store, un ang tinatambayan ko. Un nga lang, hanggang tingin lang ako sa mga libro at pagbasa ng mga umpisa. Kaya ansaya neto talaga,nakakapagbasa ako ng libreeee...hehe..

Ung ibang nababasa ko nga lang, puro kabetlogan lang,pero nakakatuwa.naman dahil nga sa limitasyon ng reyalidad,dito nabubuhos ang ganitong kabetlogan.. Di ko maimagine kung gawin nila sa totoong buhay yung mga sinasabi nila,homaygowd tlga.lol

Karaniwan ng lalakeng nagbablog ang  nagsusulat ang mga hardcore na kabetlogan.

I try ko kayang isulat ang mga kagagahan ko d2?Para fair..buwahaha,kala yata nila sila lang.lol

anywayz,lalabas naman ang sariling attitude ng  di mo namamalayan, ng hindi mo sinasadya.It will reflect sa lahat ng gagawin mo.

Basta magsusulat ako promise. Masyado lang maraming umeeksena sa buhay ko ngayon na halos hindi kayanin ng nanay powers ko. LOrd help us.

......basamode ulit.... mas trip kong magbasa ng mga kabetlogan sa mga panahong ganito.

Saturday, July 24, 2010

Pampam..

eto na, hahabulin ko ang natitirang mga minuto bago ako tuluyang umuwi. hindi ko kasi mapapalampas ang araw n 'to.. ewan ko ba, kahit blog ko to..ang hirap pla magsalita. aw.. basta. nakausap ko xa. for the first time.... sa skype.. weee...ambait nya. and friends kmi.. wee.. plastik! lol

nakilala ko xa, almost 3 years na. tandang tanda ko kung pano nya ako inisnab dati.. it's my turn...  haha..d ko nman xa gagantihan.. ayoko lang may nag rereject. gusto kong bawiin nya lahat un. wla akong intensyong ano man. ibabangon ko lang ko lang ang puki ko..este, puri ko.. sabihin nya lang n ok ako at like nya ako as a friend.. ok n ako dun, ok n. i know it's weird. yes im weird. lol

yun lang muna.. maitala ko lang etong npaka makasaysayang araw ko. kahit d detalyado at magulo kasi nga po...komplikado.  Life is more fun when its complicated.... but its more fun if u can control the situation the way you want it.   ummmmmwuahhh ng baong baon.. uwi n ako.. babush server...

Wednesday, July 21, 2010

Mama.....

Habang nasa loob ako ng comfort room,(wow sosyal) at nagyoyosi...andami kong naiisip na isulat. Pero pag nandito na ako sa harap ng server....Wala..... nabablangko ako. nagiging abala kasi ako sa pag sasaayos ng mga  kaartehan d2..naglalagay ako ng pictures,tpos i reremove din.. pagpili ng kulay...pagpili ng background,,haha..mungtanga lang. eksayted kc ako masyado,pang 3 araw ko pa lang kasi natututukan ang pagsusulat.Naiingit ako sa pahina ng mga matagal ng nagbablag,dami n nila nagawa..samantalang ako..nag uumpisa lang. Pero "LAHAT NG PAGLALAKBAY, NAG UUMPISA SA ISANG HAKBANG"...at eto na ang unang hakbang ko, bagaman medyo nahuli..hahabol ako. lakas ng loob at inspirasyon lang ang kelangan ko.go go go na ako...hehe

dami ko gustong isulat..pero uunahin ko ng ibida ang aking mga mahal ng INA'T AMA.. c mama ay nasa hmmm...uhmmm...nakalimutan ko kung ilang taon n mama ko,waaaaa! basta maingay c mama. Sya ung tipo ng tao n madaling makasama or mapakisamahan, masayahin kasi sya,palabiro at laging me kwento. OO,madaldal c mama,sa kanya ko din nakuha ang pagiging madaldal ko.(kaya nga ako nag bablog) Sana nga uso na blog dati,para kung sakaling nagsusulat dito c mama,sigurado komidi un...at mas makikilala ko sya,ung buong pagkatao nya.Hindi kc kmi best of friends khit napaka easy to get with nya.Hindi ko masasabing, my mama is my bestfriend. Pero mahal ko un.alam nya un. Astig din un,sobraaaa! Natatandaan ko ung ilang beses nyang pakikipag hablutan,talakan..basta..para syang wrestler pag kumilos o nagsalita,hindi nagpapaapi.Pero my mga pagkakataon nman n napaka matampuhin.Parang bata ang mama ko.Pero napakalungkot ng bahay pagwla sya. MAbilis syang kumilos,hindi mahinhin.Mabilis magsalita,nagmumura at naninigarilyo.Pero sa kalooban nya ay isang mapagmahal na ina at asawa, IN ASTIG WAY nga lang. Napakarami nyang kaibigan dahil hanep makisama, ang motto nya "ang pagkain ay para sa lahat" kaya madalas nang sa bahay nya niyayayang kumain ang mga kaibigan nya.

Talented din mama ko, lahat daw kaya nyang itinda at totoo naman. Hindi sya napipirmi sa bahay,lagi syang humahanap ng pagkakakitaan. Pero kadalasan,pinapahinto din ng papa ko ksi puro daw sya abono.hehe.

May ugali ang mama ko na pabigla-bigla, namana ko din yata. Por eksampol,may maiisip na isang bagay un.halimbawa may naisip bilhin na isang bagay na gustong gusto nya..kahit anong oras,kahit may ginagawa..kahit may niluluto...ora mismo,wlang lipat segundo..aalis un. (anong nangyari sa niluluto?naku,madalas sunog kanin namin)


Madami akong mai sheshare na kakulitan ng mama ko pero sa akin n lang ung iba.Naging masaya ang childhood ko dahil sa mama ko. Naging hospitable ako sa mga kaibigan ko dahil nakikita ko un sa kanila ni papa..para daw kung sakaling ako naman ang pumunta sa ibang bahay,pakikitaan din ako nag maganda.
Pero may mga pagkakataong nagaaway kame..well,wala nmang perfect diba.kasama tlga un at pinagsisihan ko na lahat ng pagsasalita ko sa kanya ng hindi maganda simula ng akoy maging isang ganap na ina na din.

Umiyak ako night after i gave birth.. hindi dahil sa sobrang hirap ng dinadanas ko kundi sa guiltiness na nararamdaman ko. Nakikita ko kasi sa sarili ko c mama..ung hirap nya nung pinanganak ako,tpos maiisip ko ung mga kasalanan ko sa kanya habang lumalaki ako at nag kakaisip..Ganun pla kahirap..kung gaano ung pagmamahal na naramdaman ko nung nakita ko ung baby ko..naisip ko din na,ganun din nya ako kamahal. from then on.. nahiling ko na sana mas naging mabuting anak ako sa kanila..sana mas pinakita ko na mahal ko sila bago ako nawalay. Sana napaglingkuran ko muna sila bago ako nag asawa...sana nag trabaho muna ako.. sana...sana.... (umiiyak n ako,shet nand2 p naman ako sa cafe) ..

Gusto kong manapak.......

          Di naman ako bayolenteng tao, pero ngayong mga oras na 'to.. gusto kong manapak.. sa lahat kc ng ayoko,ung ginagalaw ang gamit ko.yan ang kalimitang dahilan ng pakikipag away ko sa mga kapatid ko noong dalaga p ako.Gusto ko may privacy,gusto ko ung kwuarto ko wlang gagalaw,ung mga gamit ko at basura ko,walang gagalaw Un ang malaking problema ko sa ngayong may asawa na ako. Kasi ang napangasawa,nuknukan ng pakealamero.(help me lord n na magtimpi at di ko xa sa mabugbog mamaya) 
           eh kc nman, naubos oras ko kakaayos ng blog ko kninang umaga,tpos pag check ko ngayon,burado  ung isang post ko n my tiltle n "LABLETER" na may picture nya.. Binangit ko sa kanya na check out my blog,kaninang umaga un..Alam kong masamang mambintang, kaya nya tinext ko xa ura- urada..Hindi naman daw nya pinake alaman..(cge,kunyari naniniwala ako,para kumalma lang ang katawan ko at makapag sulat ako ngayon)

hayzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz........

          Etong pinaka ayokong part ng buhay may asawa. ewan ko lang kung ginagawa din sa inyo 'to ng mga mister nyo..

1. Sya nagbubukas ng mga text sakin,malingat lang ako. 
2. Hinahack nya mga accnt ko.
3. Lahat ng nangyari sakin,gusto nyang i kwento ko ng detalyado.
4. Ginagamit nya ang towel ko.

          Marami pang ibang dahilan na ikinagagalit ko tlga khit maliit n bagay kung iisipin. Pero it's a big deal lalo n nga sa kagaya ko na sanay sa   "  PRIVACY"... 

          Sana makatagal ako... LOrd......help me to understand him more....LORDDDDDDDDDDD...plz.

Monday, July 19, 2010

ang gulo mo!!

           Ang ingay ng utak ko knina pa. Na excite kc ako mula p kahpon ung maopen ko ulit 'tong blogsite ko.YEY! ansaya lang kc sobrang bored n ako sa araw-araw. Almost eight hours ako sa harap ng computer dahil eto ang aming "bread and Butter".So ayun nga, tambay ako sa isang chatrum n binabalik-balikan ko. Pagkatapos kong magbasa ng news,manood ng mga saksakan,patayan,taong sinusunog ng buhay, manood ng MTV n may short love story n kalimitan ay mga koreano.Pakatapos kong manood ng mga banned commericials na astig at hinahangaan ko ang mga utak ng mga taong gumagawa ng mga ganung advertisement.Pagkatapos kong panoorin ang mga Videos n nkakamaazed like ung street painting, sand art at npakadami pang iba, lahat un, just one click away....bumabalik ako sa chatrum na un..                                  

          Bakit? dahil mas interesante pa ring kalikutin ang kaisipan ng mga taong nakakasalamuha ko don.  wala lang na share ko lang ung mga ginagawa ko araw-araw. Feeling ko kc na stock up n utak ko since d ako pumapasok sa skul.Pero hindi pla. Mas marami kang matututunan,depende na lang sa diskarte mo. Sobrang swerte na natin ngayon na maituturing dahil sa internet. Malaking tulong c Google, lahat ng tanong mo kaya k nyang sagutin. Wag lang nakakabobo ung tanong mo.
                                  LOL. teka print muna ako, balik ako maya.                    
                                                          BRB.



ako na, ako na ang baliw!

Ang sarap talagang magsulat,ditto ko mas kinikilala ang sarili ko,pag hindi na bucy ang utak ko sa pang araw araw at paulit ulit na Gawain, pag kakataon ko’ to para kausapin ang sarili ako...
Hindi ako maselan,hindi ako ambisyosa,hindi ako ma pride, hindi ako inggitera,yan ang pag kakakilala ko sa sarili ko..
Pano ko nasabi?
Dahil napaka simple lang ng mga gusto ko sa buhay ko,eto,etong mga nasa akin ngayon,ipinag papasalamat ko na ‘to ng sobra sa Dyos,hindi na ako humihiling pa ng ibang material na bagay,ayos na sakin ung ganitong bahay,damit,pagkain at syempre pamilya. ayos na.
Yun nga lang,dinadalaw ako paminsan minsan ng mga sumbat ng isang bahagi ng pagkatao...ung bahagi ng utak ko na kilalang kilala ko na malakas.. maparaan.. at may pangarap.. Sumasapi sya sakin sa mga panahon kung kelan ok naman ang pakiramdam ko..ung ok n ok ako,tapos biglang tatanungin ako ng utak ko na” ano,Masaya ka na d2’? paanong mga pangarap mo? Sagot naman ng utak ko,”hindi, humahanap lang ako ng tyemo”.Hindi pala tyempo ang kelangan ko kundi ambag pa ng karunungan.. walang laman ang utak ko... puro hangin na lang,pati nga anak ko napapabayaan ko na, 4 na taon na sya,dapat marunong na sya magbasa..(pero di ako ganun ka lupit na ina para itutok sa libro at papel ang anak kong ni hindi pa makapag salita ng diretso..sagot naman ng kabilang utak ko..) nakakalito..amf
Sumbat,sumbat pa..sumbat pa sa sarili mo...kaya ako nagsusulat para halukayin kung meron pa ngang laman ang utak ko..hindi para lalong tanggalin ang natitirang respeto sa sarili ko..
Ano nga bang kaya mo?Ha?
Ahmmmm,ano nga ba.. kaya saan ba?
Sa piikal,kaya kong magtinda,hindi biro mangumbinsi ng tao para bilhin ang produkto mo ha,at hindi lahat ng tao,kaya un..ok 1 point.
Sa emosyon, kaya ko mag tiis,kaya kong maging katulong sa bahay kung talagang gipitan na ang labanan,sabi ko nga sa u di ako ma pride na tao..
Kaya kong lunukin ang lahat ng kahihiyan kung maging labandera man ako someday,mabuhay lang ang anak ko..dahil wala pa naman akong diploma na siyang basehan ng pagkuha ng magandang trabaho ngayon eh.. Kaya ko ang hirap,kaya ko ang gutom,matiisin akong tao,alam yan ng nanay ko..
Eh mag English..kaya mo?
Kakayanin…haha .
let’s try this one..
I am a better person now,I know and I should be. I don’t care what other people may think about me,if they think I’m an idiot,so be it..why should I bother to explain to anyone who doesn’t even know what  really inside of me. I have a husband...and that’ s the real sad part of the story. We don’t understand each other,or I should say,we are not trying our best to understand each other. Communication is the most important part of the relationship..but what we have now is just a plain obligation to be together.
I have a limited time to write,damn. Because any moment my husband will arrive and I don’t want him to read my work, it’s for myself and i.
I like it..that i gave myself to think, to realize something, to clear some thoughts, to define, to get back my brain at work...
I know that I can’t speak English fluently; I am much comfortable in writing it. Don’t cha worry, I will do my very best to teach my kid all that he needs to know..but not now baby, when he get ready.
Bakit ako nag English,nagtanong ka eh,sinagot ko lang,nyahahaha.
Yun lang ang na realize ko sa araw na ‘to.. na eto na ako ngayon.. Nanay na ako,at pag huhusayang maging nanay.
At ung tungkol sa asawa ko,hayaan mo na un,di ko ugaling isisi sa iba ang alam kong may pag kakamali din ako.

NytNyt ^^

Baliw ba ako dahil kinukwentuhan ko ang sarili ko?

(bale ung title,now ko lang inilagay, pro ung post, dati n un..sayang lang,wlang date)

Eto n naman,magkaharap na naman tayo a computer n ‘to n npakahirap mag type..ayos n rin to kc nung naaalala ko pa ung type writer n binili skin ni papa dati,halos mag kakalyo mga daliri ko bago ko matapos ung mga gusto kong ikwento s sarili ko.
Baliw ba ako dahil kinukwentuhan ko ang sarili ko?
Gusto ko kc ilipat sa papel ung mga nasa isip ko. .at parang obligasyon ko n s sarili ko n gawin un,dahil un ang gusto nya. Sa dami kc ng ginagawa ko,lahat un hindi para s kin kundi para s iba,pero ayokong manisi,ayokong ipasa s kanila lahat ng kabiguan ko..kung gagawin ko ,lalong walng mangyayari..di pa naman huli ang lahat paras kin..until now my pag asa p akong itinatago s dibdib ko..gusto kong mag ambag ng tulong sa mundong tinitirahan ko ngayon..malay mo,isang araw maging proud in skin ang mga magulang ko..hehehe.
Pero parang anlabo....ang natutunan ko lang eh marami pa pala akong dapat matutunan..tyaga lang talaga ang kailangan.
Di ko dapat isisisi sa anak kong makulit ang kabiguan ko sa career, dapat ko syang gawing inspirasyon.. Wala akong maipag mamalaki ngayon,kung nagging tindera ako,pipilitin kong maging mahusay na tindera, kung nagging guro naman ako pipilitin ko ding maging mahusay na guro..pero sa ngayon,nagging nanay ako..pipilitin ko dapat na maging mahusay na Nanay...hayyyy..
OO na..i figure this one out..kaya ako ganito dahil di pumapasok sa utak ko ung salitang acceptance.. di ko matanggap n eto na ako ngayon matapos ang maraming taon s eskwelahan... ditto din ang bagsak ko...sa loob ng bahay ,taga linis taga laba,taga luto ng asawa at anak ko... Masaya ba ako? Medyo..
Pero kulang,hindi sapat..di ako ma pride n tao,pero lahat ng meron ako ngayon,dahil un sa asawa ko..dahil nagagamit nya ung pinag aralan nya.. eh ako,wala ako akong masabing akin..kyung galling naman sa pinag aralan ko.. Hindi pride ang tawag dun, nanghihinayang lang ako.
Masaya ba ako? Siguro,dahil may anak akong malusog,at pamilyang buo at malulusog din,isang kayamanan na sa panahon ngayon ang malayo s sakit.. Thank u Lord.

Sunday, July 18, 2010

Gustong Sumulat...

Sa wakas,,, nabuksan ko ulit ang isang pinto ng pagkatao ko. Matagal ko nag gustong sumulat..natatakot lang ako.. OO, takot akong ipasilip ang laman ng utak ko.Pero eto na ang oras na dapat magpasya. Gagawin ko ito.pra sa sarili ko.

Lumaki akong tahimik na bata,pero nasa loob daw ang kulo ko,aray nman. Hindi nman ako ganun kasamang tao. depende lang naman lahat sa sitwasyon.
(idudugtong ko na lang d2 ung ginawa ko n dati.. bale intro un about myself..pero alam kong laging kulang un.)

Si Dezma lang po….
Hindi ako mabait at lalong hindi nagbabait baitan…
Nagpapakabait lang!
Trip ko talagang sumulat…maging writer? hindi naman,basta sumulat lang Ng kahit ano. Tungkol sa tsismis,hehehe oo na,tsismosa na ako gusto mo itsismis ko pa sa u lahat ng kakilala ko eh.Pero bago sila,ung sarili ko muna ang tsisismis ko… kung ano ako,kung ano ang meron ako,kung ano ang kaya kong ibigay, at kung ano ang laman ng isip ko.
Wow naks!! Na inspired kc ako ni bob ong kagabi,wahaha. Nakilala ko si Bob ong nung 2003 pa,s national bookstore na tinatambayan ko madalas.. awa ng Dyos 2009 n ako nkabili ng isa sa mga akda nya.(bibili ulit ako promise). Bumubuklat ako ng mga Filifino fictional books,kahit tungkol s pangkukulam pinapatulan kong basahin. Minsan hindi naman kung anong laman ng libro ang tinitingnan ko,gusto kong malaman kung paano un nagiging libro mula s isip lang ng tao.
Ayun,hanggang ngayon wala akong idea…wala…di ko pa rin alam kung paano mag sulat.Nakagawa na ako ng isang short istory (wow,binanggit p,wla nman nakabasa) Meron kaya! Si boleng,ung bestfriend ko noh! Hehe, pinapabasa ko s kanya ung mga basurang gawa kong tula at mga pauso kong quotes s txt…Syempre I ce-claim kong Fan ko sya,nag iisa nga lang..at lease!wahaha
Umpisahan ko na pag tsisismis.. (taena k,d p b umpisa un) Hindi p noh!
Umpisahan natin sa pangalan ko…Badtrip! Parang di ko kayang isulat ng buo..nasusuka ako… LEDESMA NIETO SERAFICA…. Ok nman sna ung surname kaso ung name ko eh surname din. Tumira yata ng katol sila mama nung pinanganak ako eh..hayz
Nanjan n yan eh…pag nag ka pen name ako ang ilalagay ko Vampire…waaaaahaha
Pauso ko un…
After ng name, ung childhood ko naman..Ako ang eldest among 3,sumunod sakin babae,si anda, c jeff ung bunso..abnormal kming 3,sure un!
Lumaki akong umaakyat ng puno,nag ba bike,nkikipagsuntukan s mga pinsan kong lalaki..napaka tipikal ng kabataan ko.
Nung nalipat kmi ng bahay d2 s bulacan mga katorse n ako nun,nahilig ako s radio,fm station… nasa dugo namin ang maging music lover,maganda ang boses ng mama at papa ko.
Tpoz,d n ako naglalaro gaano.
Nung high school ako una ko nalaman n may hatak sa’kin ung subject na Pilipino. Nahilig ako sa mga kwetong bayan,alamat,bugtong….ayon…(an lakas ng trip mo dezzma,) wag kang magulo,wlang basagan ng trip!
Nsan n ba ako,ang ingay kc ng utak ko,multi tasker ang gago…
Nag college n ako…ang Kinuha kong Course BS Education…natural major in Filipino
Hindi ako 100% na sure s Course nakukunin ko dati,bata p kc ako nun..pro gusto ko namn din tlga..
Sa College life?wla nman ako ginwang makabuluhan noon..minsan ako nasali s play Sa Drama tawa..mga bakla ang kasama ko nun,medyo napansin ako ng konte kc ako nung nakaisip ng slogan na ilalagay na theme sa Linggo ng wika..Masarap ang pakiramdam nun na may pumuri sa naisip mo…kaya ako ganito ngayon.
Wala…wla namn akong masyadong pinagkaabalahan nung college..sisiw ang mga exam,andadali ng recitation…kakabored..
Mas nagconsentrate ako nun sa pag bo boyfriend,wahaha…kaya eto…napabilis ang pagkakakulong ko sa salang hindi pag gamit ng condom at pagiging inosente dati .
Ang bilis naman,natapos agad ang maikli at walang kwetang tamlambuhay ko.
Pero my pag asa pa na natitira sa dibdib ko…marami pa akong gusting gawin…gusting tikman…gusting marating… makapag sulat lang ang laking kasayahan na sakin eh,ang matuto lalo,un ang gusto kong gawin…kulang ang laman ng utak ko… kulang na kulang sa gusto kong mangyari…
Kapos na nga sa laman,na stock pa..kumabaga sa makina,kinalawang na..
Tulungan mo po ako ….tulungan mo po ako sa pupuntahan ko.
nytnyt ^^