Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha!

Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^

Monday, August 30, 2010

Buzz lightyear

The moment of truth  has arrived.Kuhanan ng report card knina. Si excited na wowo,nauna sakin pumunta sa School kasama c leiam,pero nag tiangge na lang din after mainip sa pila. Then ako na lang pumunta. Remember our deal? Kapag grades nya, 95-99 average...ibibili ko xa ng Buzz lightyear Toy (3,000 pesos). Kapag 90-95, Buzz lightyear Toy (799 pesos) 85-89- Buzz lightyear ( towel ). 80-84 BUZZZO (baso or tumbler). LOL!!

So pag upo ko sa harap ng teacher nya.Pinakita lahat ng result ng exam.Ang nakita kong nakasulat sa NAME...
"Mr. Bean", "Spiderman","HULK","Toy Story"...iyak tawa ako sa harap ng teacher.natutuwa ako na magaling sya sa spelling pero namannnn! ang tigas ng ulo,amfft. alam naman nya spell name nya,un lang mas trip nya ung kay Mr.bean,hayzz.. then nakita ko n nga,lahat exam, 54/60,49/50,18/20...basta mga ganyan. Pero di ako nag expect ng mataas na grades sa Card kc may nagsasabi sakin na kaya daw nila inilipat sa ibang skul  anak nila kc daw mababa magbigay ng grades,parang public school daw. Pero iniisip ko naman,kung un ang deserving nyang grade,ayos lang. Tpos inabot na sakin ung card...tadannnnnnnnn.... FIVE SUBJECTS, VS,VS,VS,VS.VS... ANO UNG VS? VERY SATISFACTORY.. na may katumbas na mga numerong 89-94.

" paki hulaan na lang po jan ung grades ng anak nyo",sabi ng teacher.

"aw maam! sabi ko..pinaliwanag ko ung deal namin. pano po yan?
 kakapilit at kakabola ko sa teache,pinakita din sakin ung mga  exact figures sa limang subjects nya..

89.33- science
91.something - english
92.something - Filipino
92.83 - math
91. something-


    So,its means nasa 91-92 ung average nya,mabilisan kc ung pag silip ko sa grades,d ko alam kung anong trip ng school na un kung bakit sinisekreto ung grades ng mga bata at pinapahulaan pa. Pag uwi sa bahay, iniisip ko kung ipapaalala ko pa ba sa bata ung deal namin. di na nya binabanggit pero alam kong gustong gusto nya pa rin ung toy na un. then nag flash back sakin nung bata pa ako,lahat ng promise sakin ng tatay ko na walang tinutupad. Napaiyak ako habang nagluluto ng Pork nilaga. Pag ako may birthday,lagi kong sinasabi sa mama ko,tawagan mo si papa,sabi nya uuwi sya. Pero natatapos ang birthday ko ng hindi sya umuuwi. Ligguhan kc uwi ni papa,at gusto ko lang naman,maalala nya ung birthday ko at sana nandun sya...kagaya ng naalala nya ung mga birthday ng dalawang kapatid ko. Feeling ko,im less important nung laging ganun ang nangyayari...hindi ako nanumbat,wala silang narinig sakin.Ang sakin lang..wag ka na lang sana nangako,kc masakit umasa.. mga 7 yrs old ako nun gang sa nagdalaga n ako.Madami pa syang pinangako,lahat ng graduation ko,inisnab nya.hindi ako kelan man nanghingi ng materyal na bagay,palaging presensya lang at konting pansin nya ung hinahantay ko.pero wala ..namanhid na ako sa sakit.Walang nakakaalam nun hanggang ngayon.Pero wala na sakin ngayon un,mahal ko sila bilang mga magulang ko at kelan man wala akong karapatan magkaroon ng sama ng loob sa kanila. Ayoko na lang ulitin un sa anak ko. "hindi ako mangangako kung hindi ko tutuparin"
Kaya bukas,ibibili ko xa ng  BUZZ LIGHTYEAR.. YEHEYYYYYYYYY!

Wednesday, August 18, 2010

walang maisulat..

im ok..im fine...im bored. walang thirll..walang excitement..pero thank u ng sobra kay Lord,dahil ok kaming lahat. uhmmm...un lang,wala akong maisulat.hayzzzzz..

nakakasawa mag farm..mag poker..mag pool master..powtha..chat? iniiwasan ko yan.jan kc nag uugat ang away namin.pasaway kc ako... (oo n,alam ko)

uhmm...iniisip ko palagi,sana tumama ako sa lotto.tpos mag papabelo ako, tpos bibili ko baby ko ng tunay na bumble bee,tpos papagawa akong malaking bahay ampunan para sa mga pinsan ko.tpos mag cacasino ako sa vegas.naksss.

uhmmm...tapos,ano p b...uhmm,syempre mag aaral ako ulit,sayang kc, isang sem n lang grad n sana ako..
bakit d ko natapos?? eh eh, financial problem eh, dami kong utang sa school,that time kc na operahan mama ko mga 3x,kaya ayun.pero maaayos ko p naman un..pag tumama ako sa lotto.lol,biro lang,aayusin ko din un,baka next year.

Monday, August 16, 2010

"gagong gupit"

sinipag din akong magsulat,yey!! at hindi na din gnun kabucy.yey 10x!uhmm,anong bago?uhmm, nagpagupit ako..dahil sa mahaderang pinsan ng asawa ko.dumalaw kc minsan sa bahay,tpos sabi ng tuloy tuloy wlang gatol,

Pinsan  : "ateh,ang haba haba ng buhok mo! hindi bagay sayo anlake ng mukha mo" !!!

Ako : "ampotha,aray naman!dahal dahan naman ,lol"

Asawa ko: "cge bi,pagupit ka,ung may bangs"

nananahimik ung buhok ko eh!! Pero dahil napintasan na din eh eh,nagpagupit n nga ako,at dahil sa request ng asawa ko,nag pa bangs na din ako,kahit alam kong d ako komportable.nyeta lang eh noh. Sagabal kc lalo na at marami akong ginagawa.Pero aminado nman ako na vain ako buhok ko,last dec nga, pikit mata akong nagparebond kahit nanghihinayang ako sa pera. 
Nyeta kcng mga koreana n yan eh, nauso uso p,ayoko nman tlga ng bangs, ayoko ng may humaharang sa mata ko,baka madapa p ako sa paglalakad, at ang nakakainis pa,etong asawa ko,mula gupit,pati isusuot kong damit,xa  namimili, di daw xa nalilibugan pag hindi ako nkaayos. (sorry sa term)..Gusto nga lagi ako naka shorts,libre himas p maya't maya.wew

wala nman akong gustong puntuhin,sinasabi  ko lang kung gaano kamasunurin ang mga misis sa Pilipinas. Ung iba ngang nakausap ko asawa daw nya namimili ng gagamitin nyang shampoo. Iba talaga respeto ng mga asawang babae sa asawang lalake. Sa bahay naman namin o kahit cguro sa ibang bahay, laging nasusunod sa pag dedesisyon kung anong uulamin ng buong pamilya ang mga "tatay" or ang paborito nila ang laging niluluto ng mga nanay".
minsan nga lang naisip ko... "paborito ng tatay kong ulam ay inihaw na hito(catfist) na isisigang sa gabi
at gusto nyang kanin ay matigas,ayaw ng malata".....pero ang nanay ko,anong paborito nya?hindi ko alam..ni minsan naman kc hindi sinabi ng tatay ko na,"etong lulutuin ko,paborito ng nanay nyo."












Thursday, August 5, 2010

Busy kay baby

Bisi bisihan mode ako,wew.Pansamantala kong hindi nabisita ang bahay ko dahil sa pag gawa ng mga project ng anak ko. Sabi nga ng asawa ko dapat daw ang inilagay na lang "project for moms" dahil mga nanay nman gumagawa. Kinder palang,pero handaming kaetsusan! eh ayoko nmang pahuli sa mga nanay dun kaya ayun,kinarir ko na din.effort kung effort! tpos periodical exam p nila sa monday...arrrgg.

Pero  hindi ko sya nirereview ng dibdiban.ayokong i-pressure eh,baka magsawa agad,biglang umayaw mag aral. hindi rin ako nag eexpect. alam ko naman na kaya nya,at pag bumagsak sya,walang dota!!!