eto na, hahabulin ko ang natitirang mga minuto bago ako tuluyang umuwi. hindi ko kasi mapapalampas ang araw n 'to.. ewan ko ba, kahit blog ko to..ang hirap pla magsalita. aw.. basta. nakausap ko xa. for the first time.... sa skype.. weee...ambait nya. and friends kmi.. wee.. plastik! lol
nakilala ko xa, almost 3 years na. tandang tanda ko kung pano nya ako inisnab dati.. it's my turn... haha..d ko nman xa gagantihan.. ayoko lang may nag rereject. gusto kong bawiin nya lahat un. wla akong intensyong ano man. ibabangon ko lang ko lang ang puki ko..este, puri ko.. sabihin nya lang n ok ako at like nya ako as a friend.. ok n ako dun, ok n. i know it's weird. yes im weird. lol
yun lang muna.. maitala ko lang etong npaka makasaysayang araw ko. kahit d detalyado at magulo kasi nga po...komplikado. Life is more fun when its complicated.... but its more fun if u can control the situation the way you want it. ummmmmwuahhh ng baong baon.. uwi n ako.. babush server...
Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha!
Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^
Saturday, July 24, 2010
Wednesday, July 21, 2010
Mama.....
Habang nasa loob ako ng comfort room,(wow sosyal) at nagyoyosi...andami kong naiisip na isulat. Pero pag nandito na ako sa harap ng server....Wala..... nabablangko ako. nagiging abala kasi ako sa pag sasaayos ng mga kaartehan d2..naglalagay ako ng pictures,tpos i reremove din.. pagpili ng kulay...pagpili ng background,,haha..mungtanga lang. eksayted kc ako masyado,pang 3 araw ko pa lang kasi natututukan ang pagsusulat.Naiingit ako sa pahina ng mga matagal ng nagbablag,dami n nila nagawa..samantalang ako..nag uumpisa lang. Pero "LAHAT NG PAGLALAKBAY, NAG UUMPISA SA ISANG HAKBANG"...at eto na ang unang hakbang ko, bagaman medyo nahuli..hahabol ako. lakas ng loob at inspirasyon lang ang kelangan ko.go go go na ako...hehe
dami ko gustong isulat..pero uunahin ko ng ibida ang aking mga mahal ng INA'T AMA.. c mama ay nasa hmmm...uhmmm...nakalimutan ko kung ilang taon n mama ko,waaaaa! basta maingay c mama. Sya ung tipo ng tao n madaling makasama or mapakisamahan, masayahin kasi sya,palabiro at laging me kwento. OO,madaldal c mama,sa kanya ko din nakuha ang pagiging madaldal ko.(kaya nga ako nag bablog) Sana nga uso na blog dati,para kung sakaling nagsusulat dito c mama,sigurado komidi un...at mas makikilala ko sya,ung buong pagkatao nya.Hindi kc kmi best of friends khit napaka easy to get with nya.Hindi ko masasabing, my mama is my bestfriend. Pero mahal ko un.alam nya un. Astig din un,sobraaaa! Natatandaan ko ung ilang beses nyang pakikipag hablutan,talakan..basta..para syang wrestler pag kumilos o nagsalita,hindi nagpapaapi.Pero my mga pagkakataon nman n napaka matampuhin.Parang bata ang mama ko.Pero napakalungkot ng bahay pagwla sya. MAbilis syang kumilos,hindi mahinhin.Mabilis magsalita,nagmumura at naninigarilyo.Pero sa kalooban nya ay isang mapagmahal na ina at asawa, IN ASTIG WAY nga lang. Napakarami nyang kaibigan dahil hanep makisama, ang motto nya "ang pagkain ay para sa lahat" kaya madalas nang sa bahay nya niyayayang kumain ang mga kaibigan nya.
Talented din mama ko, lahat daw kaya nyang itinda at totoo naman. Hindi sya napipirmi sa bahay,lagi syang humahanap ng pagkakakitaan. Pero kadalasan,pinapahinto din ng papa ko ksi puro daw sya abono.hehe.
Talented din mama ko, lahat daw kaya nyang itinda at totoo naman. Hindi sya napipirmi sa bahay,lagi syang humahanap ng pagkakakitaan. Pero kadalasan,pinapahinto din ng papa ko ksi puro daw sya abono.hehe.
May ugali ang mama ko na pabigla-bigla, namana ko din yata. Por eksampol,may maiisip na isang bagay un.halimbawa may naisip bilhin na isang bagay na gustong gusto nya..kahit anong oras,kahit may ginagawa..kahit may niluluto...ora mismo,wlang lipat segundo..aalis un. (anong nangyari sa niluluto?naku,madalas sunog kanin namin)
Madami akong mai sheshare na kakulitan ng mama ko pero sa akin n lang ung iba.Naging masaya ang childhood ko dahil sa mama ko. Naging hospitable ako sa mga kaibigan ko dahil nakikita ko un sa kanila ni papa..para daw kung sakaling ako naman ang pumunta sa ibang bahay,pakikitaan din ako nag maganda.
Pero may mga pagkakataong nagaaway kame..well,wala nmang perfect diba.kasama tlga un at pinagsisihan ko na lahat ng pagsasalita ko sa kanya ng hindi maganda simula ng akoy maging isang ganap na ina na din.
Umiyak ako night after i gave birth.. hindi dahil sa sobrang hirap ng dinadanas ko kundi sa guiltiness na nararamdaman ko. Nakikita ko kasi sa sarili ko c mama..ung hirap nya nung pinanganak ako,tpos maiisip ko ung mga kasalanan ko sa kanya habang lumalaki ako at nag kakaisip..Ganun pla kahirap..kung gaano ung pagmamahal na naramdaman ko nung nakita ko ung baby ko..naisip ko din na,ganun din nya ako kamahal. from then on.. nahiling ko na sana mas naging mabuting anak ako sa kanila..sana mas pinakita ko na mahal ko sila bago ako nawalay. Sana napaglingkuran ko muna sila bago ako nag asawa...sana nag trabaho muna ako.. sana...sana.... (umiiyak n ako,shet nand2 p naman ako sa cafe) ..
Gusto kong manapak.......
Di naman ako bayolenteng tao, pero ngayong mga oras na 'to.. gusto kong manapak.. sa lahat kc ng ayoko,ung ginagalaw ang gamit ko.yan ang kalimitang dahilan ng pakikipag away ko sa mga kapatid ko noong dalaga p ako.Gusto ko may privacy,gusto ko ung kwuarto ko wlang gagalaw,ung mga gamit ko at basura ko,walang gagalaw Un ang malaking problema ko sa ngayong may asawa na ako. Kasi ang napangasawa,nuknukan ng pakealamero.(help me lord n na magtimpi at di ko xa sa mabugbog mamaya)
eh kc nman, naubos oras ko kakaayos ng blog ko kninang umaga,tpos pag check ko ngayon,burado ung isang post ko n my tiltle n "LABLETER" na may picture nya.. Binangit ko sa kanya na check out my blog,kaninang umaga un..Alam kong masamang mambintang, kaya nya tinext ko xa ura- urada..Hindi naman daw nya pinake alaman..(cge,kunyari naniniwala ako,para kumalma lang ang katawan ko at makapag sulat ako ngayon)
hayzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz........
Etong pinaka ayokong part ng buhay may asawa. ewan ko lang kung ginagawa din sa inyo 'to ng mga mister nyo..
1. Sya nagbubukas ng mga text sakin,malingat lang ako.
2. Hinahack nya mga accnt ko.
3. Lahat ng nangyari sakin,gusto nyang i kwento ko ng detalyado.
4. Ginagamit nya ang towel ko.
Marami pang ibang dahilan na ikinagagalit ko tlga khit maliit n bagay kung iisipin. Pero it's a big deal lalo n nga sa kagaya ko na sanay sa " PRIVACY"...
Sana makatagal ako... LOrd......help me to understand him more....LORDDDDDDDDDDD...plz.
Monday, July 19, 2010
ang gulo mo!!
Ang ingay ng utak ko knina pa. Na excite kc ako mula p kahpon ung maopen ko ulit 'tong blogsite ko.YEY! ansaya lang kc sobrang bored n ako sa araw-araw. Almost eight hours ako sa harap ng computer dahil eto ang aming "bread and Butter".So ayun nga, tambay ako sa isang chatrum n binabalik-balikan ko. Pagkatapos kong magbasa ng news,manood ng mga saksakan,patayan,taong sinusunog ng buhay, manood ng MTV n may short love story n kalimitan ay mga koreano.Pakatapos kong manood ng mga banned commericials na astig at hinahangaan ko ang mga utak ng mga taong gumagawa ng mga ganung advertisement.Pagkatapos kong panoorin ang mga Videos n nkakamaazed like ung street painting, sand art at npakadami pang iba, lahat un, just one click away....bumabalik ako sa chatrum na un..
Bakit? dahil mas interesante pa ring kalikutin ang kaisipan ng mga taong nakakasalamuha ko don. wala lang na share ko lang ung mga ginagawa ko araw-araw. Feeling ko kc na stock up n utak ko since d ako pumapasok sa skul.Pero hindi pla. Mas marami kang matututunan,depende na lang sa diskarte mo. Sobrang swerte na natin ngayon na maituturing dahil sa internet. Malaking tulong c Google, lahat ng tanong mo kaya k nyang sagutin. Wag lang nakakabobo ung tanong mo.
LOL. teka print muna ako, balik ako maya.
BRB.
Bakit? dahil mas interesante pa ring kalikutin ang kaisipan ng mga taong nakakasalamuha ko don. wala lang na share ko lang ung mga ginagawa ko araw-araw. Feeling ko kc na stock up n utak ko since d ako pumapasok sa skul.Pero hindi pla. Mas marami kang matututunan,depende na lang sa diskarte mo. Sobrang swerte na natin ngayon na maituturing dahil sa internet. Malaking tulong c Google, lahat ng tanong mo kaya k nyang sagutin. Wag lang nakakabobo ung tanong mo.
LOL. teka print muna ako, balik ako maya.
BRB.
ako na, ako na ang baliw!
Ang sarap talagang magsulat,ditto ko mas kinikilala ang sarili ko,pag hindi na bucy ang utak ko sa pang araw araw at paulit ulit na Gawain, pag kakataon ko’ to para kausapin ang sarili ako...
Hindi ako maselan,hindi ako ambisyosa,hindi ako ma pride, hindi ako inggitera,yan ang pag kakakilala ko sa sarili ko..
Pano ko nasabi?
Dahil napaka simple lang ng mga gusto ko sa buhay ko,eto,etong mga nasa akin ngayon,ipinag papasalamat ko na ‘to ng sobra sa Dyos,hindi na ako humihiling pa ng ibang material na bagay,ayos na sakin ung ganitong bahay,damit,pagkain at syempre pamilya. ayos na.
Yun nga lang,dinadalaw ako paminsan minsan ng mga sumbat ng isang bahagi ng pagkatao...ung bahagi ng utak ko na kilalang kilala ko na malakas.. maparaan.. at may pangarap.. Sumasapi sya sakin sa mga panahon kung kelan ok naman ang pakiramdam ko..ung ok n ok ako,tapos biglang tatanungin ako ng utak ko na” ano,Masaya ka na d2’? paanong mga pangarap mo? Sagot naman ng utak ko,”hindi, humahanap lang ako ng tyemo”.Hindi pala tyempo ang kelangan ko kundi ambag pa ng karunungan.. walang laman ang utak ko... puro hangin na lang,pati nga anak ko napapabayaan ko na, 4 na taon na sya,dapat marunong na sya magbasa..(pero di ako ganun ka lupit na ina para itutok sa libro at papel ang anak kong ni hindi pa makapag salita ng diretso..sagot naman ng kabilang utak ko..) nakakalito..amf
Sumbat,sumbat pa..sumbat pa sa sarili mo...kaya ako nagsusulat para halukayin kung meron pa ngang laman ang utak ko..hindi para lalong tanggalin ang natitirang respeto sa sarili ko..
Ano nga bang kaya mo?Ha?
Ahmmmm,ano nga ba.. kaya saan ba?
Sa piikal,kaya kong magtinda,hindi biro mangumbinsi ng tao para bilhin ang produkto mo ha,at hindi lahat ng tao,kaya un..ok 1 point.
Sa emosyon, kaya ko mag tiis,kaya kong maging katulong sa bahay kung talagang gipitan na ang labanan,sabi ko nga sa u di ako ma pride na tao..
Kaya kong lunukin ang lahat ng kahihiyan kung maging labandera man ako someday,mabuhay lang ang anak ko..dahil wala pa naman akong diploma na siyang basehan ng pagkuha ng magandang trabaho ngayon eh.. Kaya ko ang hirap,kaya ko ang gutom,matiisin akong tao,alam yan ng nanay ko..
Eh mag English..kaya mo?
Kakayanin…haha .
let’s try this one..
I am a better person now,I know and I should be. I don’t care what other people may think about me,if they think I’m an idiot,so be it..why should I bother to explain to anyone who doesn’t even know what really inside of me. I have a husband...and that’ s the real sad part of the story. We don’t understand each other,or I should say,we are not trying our best to understand each other. Communication is the most important part of the relationship..but what we have now is just a plain obligation to be together.
I have a limited time to write,damn. Because any moment my husband will arrive and I don’t want him to read my work, it’s for myself and i.
I like it..that i gave myself to think, to realize something, to clear some thoughts, to define, to get back my brain at work...
I know that I can’t speak English fluently; I am much comfortable in writing it. Don’t cha worry, I will do my very best to teach my kid all that he needs to know..but not now baby, when he get ready.
Bakit ako nag English,nagtanong ka eh,sinagot ko lang,nyahahaha.
Yun lang ang na realize ko sa araw na ‘to.. na eto na ako ngayon.. Nanay na ako,at pag huhusayang maging nanay.
At ung tungkol sa asawa ko,hayaan mo na un,di ko ugaling isisi sa iba ang alam kong may pag kakamali din ako.
NytNyt ^^
Baliw ba ako dahil kinukwentuhan ko ang sarili ko?
(bale ung title,now ko lang inilagay, pro ung post, dati n un..sayang lang,wlang date)
Eto n naman,magkaharap na naman tayo a computer n ‘to n npakahirap mag type..ayos n rin to kc nung naaalala ko pa ung type writer n binili skin ni papa dati,halos mag kakalyo mga daliri ko bago ko matapos ung mga gusto kong ikwento s sarili ko.
Baliw ba ako dahil kinukwentuhan ko ang sarili ko?
Gusto ko kc ilipat sa papel ung mga nasa isip ko. .at parang obligasyon ko n s sarili ko n gawin un,dahil un ang gusto nya. Sa dami kc ng ginagawa ko,lahat un hindi para s kin kundi para s iba,pero ayokong manisi,ayokong ipasa s kanila lahat ng kabiguan ko..kung gagawin ko ,lalong walng mangyayari..di pa naman huli ang lahat paras kin..until now my pag asa p akong itinatago s dibdib ko..gusto kong mag ambag ng tulong sa mundong tinitirahan ko ngayon..malay mo,isang araw maging proud in skin ang mga magulang ko..hehehe.
Gusto ko kc ilipat sa papel ung mga nasa isip ko. .at parang obligasyon ko n s sarili ko n gawin un,dahil un ang gusto nya. Sa dami kc ng ginagawa ko,lahat un hindi para s kin kundi para s iba,pero ayokong manisi,ayokong ipasa s kanila lahat ng kabiguan ko..kung gagawin ko ,lalong walng mangyayari..di pa naman huli ang lahat paras kin..until now my pag asa p akong itinatago s dibdib ko..gusto kong mag ambag ng tulong sa mundong tinitirahan ko ngayon..malay mo,isang araw maging proud in skin ang mga magulang ko..hehehe.
Pero parang anlabo....ang natutunan ko lang eh marami pa pala akong dapat matutunan..tyaga lang talaga ang kailangan.
Di ko dapat isisisi sa anak kong makulit ang kabiguan ko sa career, dapat ko syang gawing inspirasyon.. Wala akong maipag mamalaki ngayon,kung nagging tindera ako,pipilitin kong maging mahusay na tindera, kung nagging guro naman ako pipilitin ko ding maging mahusay na guro..pero sa ngayon,nagging nanay ako..pipilitin ko dapat na maging mahusay na Nanay...hayyyy..
OO na..i figure this one out..kaya ako ganito dahil di pumapasok sa utak ko ung salitang acceptance.. di ko matanggap n eto na ako ngayon matapos ang maraming taon s eskwelahan... ditto din ang bagsak ko...sa loob ng bahay ,taga linis taga laba,taga luto ng asawa at anak ko... Masaya ba ako? Medyo..
Pero kulang,hindi sapat..di ako ma pride n tao,pero lahat ng meron ako ngayon,dahil un sa asawa ko..dahil nagagamit nya ung pinag aralan nya.. eh ako,wala ako akong masabing akin..kyung galling naman sa pinag aralan ko.. Hindi pride ang tawag dun, nanghihinayang lang ako.
Masaya ba ako? Siguro,dahil may anak akong malusog,at pamilyang buo at malulusog din,isang kayamanan na sa panahon ngayon ang malayo s sakit.. Thank u Lord.
Sunday, July 18, 2010
Gustong Sumulat...
Sa wakas,,, nabuksan ko ulit ang isang pinto ng pagkatao ko. Matagal ko nag gustong sumulat..natatakot lang ako.. OO, takot akong ipasilip ang laman ng utak ko.Pero eto na ang oras na dapat magpasya. Gagawin ko ito.pra sa sarili ko.
Trip ko talagang sumulat…maging writer? hindi naman,basta sumulat lang Ng kahit ano. Tungkol sa tsismis,hehehe oo na,tsismosa na ako gusto mo itsismis ko pa sa u lahat ng kakilala ko eh.Pero bago sila,ung sarili ko muna ang tsisismis ko… kung ano ako,kung ano ang meron ako,kung ano ang kaya kong ibigay, at kung ano ang laman ng isip ko.
Lumaki akong tahimik na bata,pero nasa loob daw ang kulo ko,aray nman. Hindi nman ako ganun kasamang tao. depende lang naman lahat sa sitwasyon.
(idudugtong ko na lang d2 ung ginawa ko n dati.. bale intro un about myself..pero alam kong laging kulang un.)
Si Dezma lang po….
Hindi ako mabait at lalong hindi nagbabait baitan…
Nagpapakabait lang!
Wow naks!! Na inspired kc ako ni bob ong kagabi,wahaha. Nakilala ko si Bob ong nung 2003 pa,s national bookstore na tinatambayan ko madalas.. awa ng Dyos 2009 n ako nkabili ng isa sa mga akda nya.(bibili ulit ako promise). Bumubuklat ako ng mga Filifino fictional books,kahit tungkol s pangkukulam pinapatulan kong basahin. Minsan hindi naman kung anong laman ng libro ang tinitingnan ko,gusto kong malaman kung paano un nagiging libro mula s isip lang ng tao.
Ayun,hanggang ngayon wala akong idea…wala…di ko pa rin alam kung paano mag sulat.Nakagawa na ako ng isang short istory (wow,binanggit p,wla nman nakabasa) Meron kaya! Si boleng,ung bestfriend ko noh! Hehe, pinapabasa ko s kanya ung mga basurang gawa kong tula at mga pauso kong quotes s txt…Syempre I ce-claim kong Fan ko sya,nag iisa nga lang..at lease!wahaha
Umpisahan ko na pag tsisismis.. (taena k,d p b umpisa un) Hindi p noh!
Umpisahan natin sa pangalan ko…Badtrip! Parang di ko kayang isulat ng buo..nasusuka ako… LEDESMA NIETO SERAFICA…. Ok nman sna ung surname kaso ung name ko eh surname din. Tumira yata ng katol sila mama nung pinanganak ako eh..hayz
Nanjan n yan eh…pag nag ka pen name ako ang ilalagay ko Vampire…waaaaahaha
Pauso ko un…
After ng name, ung childhood ko naman..Ako ang eldest among 3,sumunod sakin babae,si anda, c jeff ung bunso..abnormal kming 3,sure un!
Lumaki akong umaakyat ng puno,nag ba bike,nkikipagsuntukan s mga pinsan kong lalaki..napaka tipikal ng kabataan ko.
Nung nalipat kmi ng bahay d2 s bulacan mga katorse n ako nun,nahilig ako s radio,fm station… nasa dugo namin ang maging music lover,maganda ang boses ng mama at papa ko.
Tpoz,d n ako naglalaro gaano.
Nung high school ako una ko nalaman n may hatak sa’kin ung subject na Pilipino. Nahilig ako sa mga kwetong bayan,alamat,bugtong….ayon…(an lakas ng trip mo dezzma,) wag kang magulo,wlang basagan ng trip!
Nsan n ba ako,ang ingay kc ng utak ko,multi tasker ang gago…
Nag college n ako…ang Kinuha kong Course BS Education…natural major in Filipino
Hindi ako 100% na sure s Course nakukunin ko dati,bata p kc ako nun..pro gusto ko namn din tlga..
Sa College life?wla nman ako ginwang makabuluhan noon..minsan ako nasali s play Sa Drama tawa..mga bakla ang kasama ko nun,medyo napansin ako ng konte kc ako nung nakaisip ng slogan na ilalagay na theme sa Linggo ng wika..Masarap ang pakiramdam nun na may pumuri sa naisip mo…kaya ako ganito ngayon.
Wala…wla namn akong masyadong pinagkaabalahan nung college..sisiw ang mga exam,andadali ng recitation…kakabored..
Mas nagconsentrate ako nun sa pag bo boyfriend,wahaha…kaya eto…napabilis ang pagkakakulong ko sa salang hindi pag gamit ng condom at pagiging inosente dati .
Ang bilis naman,natapos agad ang maikli at walang kwetang tamlambuhay ko.
Pero my pag asa pa na natitira sa dibdib ko…marami pa akong gusting gawin…gusting tikman…gusting marating… makapag sulat lang ang laking kasayahan na sakin eh,ang matuto lalo,un ang gusto kong gawin…kulang ang laman ng utak ko… kulang na kulang sa gusto kong mangyari…
Kapos na nga sa laman,na stock pa..kumabaga sa makina,kinalawang na..
Tulungan mo po ako ….tulungan mo po ako sa pupuntahan ko.
nytnyt ^^
Subscribe to:
Posts (Atom)