isa sa mga pangkaraniwang araw ko...gagawin ko lang itong espesyal dahil magsusulat ako...
(at ano naman ang isusulat mo?)
uhmmmm... tungkol sa antok !!!
inaantok ako..npakahilig kong matulog dati pa,teens pa lang ako.Mas gusto kong magkulong sa kwarto kong "tunawan ng bakal"kung tawagin ng espren ko,dahil sa sobrang init.ayokong lumabas,natutulog lang ako. at pag gising ko..matutulog ulit ako.haha. ang resulta,hindi ko masyadong kilala ang mga miyembro ng pamilya ko. Si mama,laging maingay, c jeff laging gutom, c anda, lagiong masunget,si papa,laging tahimik..kaya matutulog na lang ako. AT yun nga,nung nag kaasawa na ako..isa ang pagtulog sa mga iginib ap ko..(kala nyo madali un?) amf!
hindi madaling kalimutan ang nakasanayan mo ng ginagawa...dati nauubos ang oras ko sa pagtulog,pag gala,pag gigitara.pagbibilyar,pagsusulat at pagbabasa...(d ako mahilig sa barkada at lakwatsa) pero lahat un...wala na akong nagagawa..ngayon na lang ulit ako nagbabasa at nagsusulat.
napalitan na yan ng "PAGNANAY"....(lahat ng salitang may "PAG" na ginagawa sa bahay)
Pero ayos lang......hindi naman ako nagrereklamo.naglalahad lang.
NApaka simple nga ng gusto ko eh...ng pangarap ko..ngayon nga gusto kong bumili ng "samsung 32' LCD TV"...pro baka matagalan pa...baka sa November p.Gusto ko kc cash para walang inintinding utang..pero kung wala tlga,baka hulugan na nga lang.
Minsan lang maging bata ang anak ko,gusto ko maenjoy nya. ang mga bagay na kagaya nun at makakapagpasaya na sa simpleng pamilya gaya ng pamilyang meron ako sa ngayon..Nag titiis ng antok at pinipilit gisingin ang diwa basta lang makaipon ng sariling pera...para sa pamilya
Tiisin ang antok...............(ZZZzzzzzzzzzzz)
Salamat sa Pagdalaw.. Humanda ng mabaliw.nyahaha!
Nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo.Lalo na sa mga taong mahal ko sa buhay. Eto na ang paraan para makilala nyo akong mabuti, para kung sakaling kunin ako ni Lord..(wag muna po) May maiiwan akong bakas..na minsan, dumaan ako at nangulo sa mga buhay nyo. ^^
Thursday, July 29, 2010
Wednesday, July 28, 2010
sweet child of mine...
Ang pangunahing dahilan ko bukod sa masabi o maisulat ang laman ng utak ko,ay para din makilala ako sa anak ko beyond the purpose of my existence . nabanggit ko minsan na sana uso na ang blogging dati pa para nabasa ko at mas nakilala ko ang mga magulang ko. Ngayon,i want to give the credit to my son Jonh Leiam Rain.. Anak,eto na ang tanging maipapamana ko sa yo..ang maitala ko ang kasaysayan habang lumalaki ka,kalakip nito ang aking mga saloobin,prinsipyo at sariling adhikain. amen. ayeahh..
baby,hindi ako ganun katino na mudra..(i know right) lol...pero hindi rin naman ganun kasira..(weh?) Saktuhan lang. ngayong araw na 'to, ikaw ay 5 yrs and 3mons. d ko na isasama ang day, OA n.
Kanina sa skul mo, may medical check up, as usual ikaw na naman ang pinaka makulet among your classmates. Kulang ka daw sa timbang pero matangad ka for your age. yey! wala nman problem sa health mo at ipinag te thank you natin un kay papa Jesus...un lang, kanina ka pa pala napapansin ng doctor.. Medyo nagulat ako sa tanong ni doc
"naglalaro po ba sya ng tubig palagi"?
(umuwi ka kanina,basa ang polo at sando) "OPO,mahilig po,sagot ko.
"naghihilera ba sya ng mga bagay-bagay?"
"as early as 8mos old po" sagot ko.
Expected ko naman dati pa na makulit ka talaga at mayroon ngang tinatawag na attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Pero buti na lang daw nakaka adjust ka sa regular school...(gud luck na lang kay teacher.) Eto nga at nagbabasa basa ako sa internet about ADHD,pinayuhan na rin kasi ako kanina ni doktora na ipa evaluate ka sa psychiatrist, psychologist, or therapist. one of these days siguro..pag iipunan muna namin ni daddy ha..3k kasi daw per session.
wala naman akong worry as of now,kasi i know kaya mo yan ...ayoko lang makikita kang nagkakasakit...kakayanin ko lahat anak,wag lang ung makita kang nasasaktan.
Napakakulit mo baby,walang oras na hindi ba gumagalaw at nagsasalita,simula pag gising hanggang bago matulog,full charge k..hindi bumababa ang energy mo,hayyy grabe.
Kung tatanungin mo ko kung anong super power mo na napapansin namin sayo...uhmmm...bukod sa kaya mong guluhin ang buong bahay in 2mins.uhmmm..wala..wala namang special talent. hehe.
joke lang..tsaka ko na ikukwento..uuwi n c mommy, miss na kita eh.
^^

Tuesday, July 27, 2010
sapul!!!!!!!!
sa aking pag ba-bloghopping... napunta ako sa page ng isang kabayo...ayyy,bisiro pla.. at ayun.. isinalampak sa mukha ko ang sagot sa kanina lang eh ipinag sisintir ko.. sapul n sapul ako..
"depende yan sa gusto mo" yan title ng post ... "happiness is not a destiny is it a choice "
Talagang naniniwala ako dyan, dahil ilang beses na akong nakakita ng mga taong halos gumuho na ang mundo dahil lamang sa tinatawag nilang problema na kahit ang pusa at daga ay hindi poproblemahin. Ilang beses na akong nakakita ng mga taong lumigaya dahil lamang sa mga simpleng bagay na kahit ang langgam at bubuyog ay hindi naman sasaya. Pinili nila ang kaligayahan nila, hindi ito pinagkaloob sa kanila.
Sana hindi magalit ang kabayo..este bisiro sa paghiram ko ng kanyang isinulat.. lagi ko itong babasahin sa tuwing ako'y mawiwindang..at nag eemo emo.. hayzzzzzz..
Napaka simple nga nman ng buhay.. hindi kami mayaman.. Ikinasal kami noong 2004, nanganak ako noong 2005, sa edad kong 20 at sya ay 21,wala kami pareho..walang matatag na trabaho o kahit ano. Pumisan kmi sa kanyang Tatay at dalawang kapatid na babae,walang naging problema dahil kapwa sila mababait at ang nanay nya sa ibang bansa ay patuloy ang suporta.Wala akong maikukwentong oang wowowee dahil wala tlgang mahirap na part sa buhay ko...emotera lang ako at walang kasiyahan..(ansama ko na ata)
Minsan lang nakakapagod..pero sino ba ako para magreklamo..tingnan ko lang ang mga basuserong bata,nagpapasalamat na ulit ko kay Lord.. opo..nalinawan n po ako......I feel so stupid knina,habang nag rereklamo sa harap nya na madami akong ginagawa sa bahay mula pag gising ko..ayun ang pobre, hinamon ko kanina na palit kmi..sya sa bahay,ako d2.Sya pinaglinis ko ng bahay dahil sabi ko sawang sawa na ako at pagod na...at nag emote n ako sa post ko...(nakukunsyenysa n ako...shet)salamat sa kabayo...
konting hinga lang naman kelangan ko...ok n ako..oktnxbye.

Ang Pinay base sa aking sariling pananaw...
Pag sinabi mong Pinay, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang katawagan sa mga babae sa Pilipinas.Ang tradisyunal na pinay ay Maka Dyos,mahinhin, palangiti, marahan ang kilos,hindi maharot, matiisin,hindi materyosa at kontento sa bahay lamang, walang kolorete, mayumanggi,at likas na mapagmahal.
Pero sa paglipas ng panahon..sa hirap ng buhay, sa dami na ng mga pangyayari...sa tingin mo ba walang magbabago?
Ito ang aking sariling depinasyon ng isang makabagong "astig na pinay"- Babaeng naninirahan sa Pilipinas na may aking mabutihang loob,maka Dyos, may malasakit sa kapwa lalo na sa pamilya, itataya ang buhay sa ibang bansa para sa pamilya,handang makipag bungguan sa MRT para makapasok ng ontime sa Opisina, Makikipag murahan kung na aagrabyado at binabastos, lumalaban ng patas at hindi nanloloko ng kapwa, likas na masipag sa bahay man o sa trabaho, matalas ang pag iisip, madiskarte, malakas, hindi umaatras, palakaibigan,mahinhin ang kilos ngunit kayang sumabay sa mabilis na ikot ng buhay, hindi maharot pero karinyosa.
Kung ano man ang mabuong impresyon nyo sa isinusulat ko...yun ay base lang sa aking pansariling opiniyon at saloobin.
ang paggamit ko sa "Pinay " sa aking Blog ay patunay na Proud akong maging Isang Filipina.

the best race in the world :)
eto na....
eto na,hahayaan kong ang mga kamay ko ang kusang sumualat ng gusto nya..ang nararamdam ko sa mga oras na ito.Malungkot ako..(lagi naman eh). isang sampal ng katotohanan.. katotohanang ikinukubli sa loob ng maraming taon. Masaya ka ba sa kanya? wla paring kasagutan. May mga oras na halos isumpa ko sya. May mga oras naman na umiiyak na lang ako dahil naaawa ako sa kanya. Malamang,pareho lang kami ng nararamdaman sa isa't isa. ISANG MALAKING QUESTION MARK.
Putanginang magmamahal kasi yan eh..wala akong sariling depinisyon nyan lalo na kung patungkol sa kanya.. Naiisip ko sya,uhmmm... malimit.Gusto kong palaging maibigay ang gusto nya. NAtatakot akong masaktan sya.. HInahanap hanap ko sya pag wala sya. Pero sapat na ba ang mga binanggit ko para sabihin kong mahal ko nga sya?
Masyado ng huli para sa mga ganitong kaartehan. Isinantabi ko ang pag iisip ng mga ganitong bagay dahil sa biglaang responsibilidad naming dalawa, para sa isa't isa at sa aming anak. Walang tanungan, walang pag-iisipan,pikit mata.........sugod lang sa buhay me asawa. Trabaho sa bahay,trabaho,trabaho..kilos ng kilos para mabuhay.Hindi uso ang salitang "sweetness" at mga kaekekan...
Andami kong sinabi..di ko naman matumbok ang problema..tangina...
(ilang taon ka ng ganyan Ledesma.. laban,bawi..babawi,lalaban...uuyyy,c ate uuuyy..aw!)
Minsan lang talaga siguro,sinusubok ang katatagan ng samahan, kahit anong samahan pa yan, di maiiwasan ang di pagkakaintindihan... (ganun n lang cguro,papayuhan ko na lang sarili ko,o deva,talenteddd)
alam ko namang nasa akin din ang problema minsan... (tanginang puso ko kc na to eh... maarte ang potha, mahal na nga ng asawa nga...ayaw p ibigay ung 100 percent...)
di ko alam..basta ginagawa ko naman ang obligasyon ko...saka ko na iisipin ung mga bagay bagay na alam ko namang wala ding kahihinatnan,dahil kasal kami at nakatali na isa't isa.

on the rocks...
Minsan ang dila at labi nagkakagatan..bakit? dahil kulang sa space ang isa't isa.
Di ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa ngayon. Na guguilty ba dahil nanjan ka sa trabaho ng may tampo sakin..Oh malulungkot dahil lalo kong nararamdaman ang tali sa pagitan natin.
Lagi kang naka masid sa lahat ng ginagawa ko. Alam kong hindi ako ganun kabuting asawa mo kaya ganyan ka baba ang tiwala mo sakin. Pero naaaamannnnnn... putang ina nman... wala... sakal na sakal n ako, alam kong mahal mo ko, pero putang inaaaaaaaaaaaaaaaaaa........ ano bang gusto mo? oras oras tyong magtitigan? oras oras magkayakap? nakakasuya... nakakasuka. PUatang ina tlga..........tae.. un lang ang nararamdaman ko sa ngayon..............

Sunday, July 25, 2010
Basa..basa..basa...
Nakakalibang magbasa ng mga blogs, kaya naman na uumsyame ang pag susulat ko.Pero ok lang,ayos nga un,parang my background n din ako kumbaga.Wala nman bago,halos parepareho ng istilo ang mga nababasa kong blogs nila,nakakatuwa sila at nakakainspired, Isang malaking regalo sakin ang pag kakaimbento nitong blogging. Dahil nung mga 16 or 17 years old ako, nag umpisa akong mahilig magbasa. Sa national book store, un ang tinatambayan ko. Un nga lang, hanggang tingin lang ako sa mga libro at pagbasa ng mga umpisa. Kaya ansaya neto talaga,nakakapagbasa ako ng libreeee...hehe..
Ung ibang nababasa ko nga lang, puro kabetlogan lang,pero nakakatuwa.naman dahil nga sa limitasyon ng reyalidad,dito nabubuhos ang ganitong kabetlogan.. Di ko maimagine kung gawin nila sa totoong buhay yung mga sinasabi nila,homaygowd tlga.lol
Karaniwan ng lalakeng nagbablog ang nagsusulat ang mga hardcore na kabetlogan.
I try ko kayang isulat ang mga kagagahan ko d2?Para fair..buwahaha,kala yata nila sila lang.lol
anywayz,lalabas naman ang sariling attitude ng di mo namamalayan, ng hindi mo sinasadya.It will reflect sa lahat ng gagawin mo.
Basta magsusulat ako promise. Masyado lang maraming umeeksena sa buhay ko ngayon na halos hindi kayanin ng nanay powers ko. LOrd help us.
......basamode ulit.... mas trip kong magbasa ng mga kabetlogan sa mga panahong ganito.

Subscribe to:
Posts (Atom)